Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ang pagyanig sa layong 99 kilometers southeast ng Jose Abad Santos alas 2:19 ng hapon ng Huwebes, July 8.
7 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks at pinsala. (Dona Dominguez-Cargullo)