Isang tonelada ng hinihinalang shabu nakumpiska sa Infanta, Quezon

Isang tonelada ng hinihinalang shabu nakumpiska sa Infanta, Quezon

Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang sampung kalalakihan na sakay sa tatlong Van na may kargang kontrabandong hinihinalang shabu matapos maharang ng NBI, PNP at AFP sa ginawang operasyon nito kaninang madaling.

Naharang ito sa Checkpoint ng Barangay Comon na balak sanang ipupuslit ito papuntang Manila.

Ang mga kontrabando galing umano sa isang Private Yacht at na surveillance na rin ng NBI kaya’t sapul ang mga ito sa operasyon.

Dinala ang mga kontrabando sa Lalawigan ng Rizal kung saan doon malapit ang opisina ng NBI para gagawan ng inbentaryo.

Tinatayang aabot sa 1,500 kilos ang naturang kontrabando at aabot ito sa bilyong halaga.

Kasabay nito, Nanawagan si Vice Mayor LA Ruanto sa kanyang mga kababayan na maging mapagmatyag sa komunidad at kung may mga impormasyon ay agad ipagbigay alam sa mga awtoridad upang matunton ang pinanggagalingan ng ganitong mga kontrabando. (Jay-ar Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *