Isang araw matapos buksan, operasyon ng night market sa Baguio City sinuspinde ni Mayor Benjamin Magalong

Isang araw matapos buksan, operasyon ng night market sa Baguio City sinuspinde ni Mayor Benjamin Magalong

Dahil sa kabiguang maipatupad ng tama ang crowd control nagpasya si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na suspendihin ang operasyon ng night market sa lungsod.

Kabubukas lamang ng naturang night market Martes, (Dec. 1) ng gabi.

Inatasan ni Magalong si City Treasurer Alex Cabarrubias at si Market superintendent Fernando Ragma Jr. na agad magpatawag ng pulong at magsagawa ng post-night market assessment para pag-aralan ang nangyari sa unang araw ng pagbubukas ng night market.

Pinatutukoy din ni Magalong kung ano ang mga naging problema at pagkukulang sa pagpapatupad ng crowd control.

Nagpasya si Magalong na buksan ang night market sa lungsod ngayong holiday season para na rin makatulong sa ekonomiya at maibalik ang pangkabuhayan ng mga nagtitinda.

Gayunman, hindi aniya pwedeng isakripisyo ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente kung mababalewala ang pagpapairal ng health protocols laban sa COVID-19.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *