Interval sa pagtanggap ng booster doses ng COVID-19 vaccine mas pinaiksi
Mas pinaiksi ng Department of Health (DOH) ang pagitan para sa pagtanggap ng booster doses ng COVID-19 vaccine matapos ito aprubahan ng <span;>Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Health <span;>Health Sec. Francisco T. Duque III epektibo ngayong araw, Dec, 22 pinapayagan na ng FDA ang mas maiksing interval sa pagbibigay ng booster doses.
Sa ilalim ng bagong polisiya, ang mga nasa wastong gulang ay maaring nang magpaturok ng booster doses ng COVID-19 vaccine tatlong buwan matapos silang maturukan ng second dose ng kanilang primary two-dose vaccine.
O ‘di kaya ay dalawang buwan matapos nilang matanggap ang primary single-dose vaccine.
Hindi pa naman kasama sa mga maaring tumanggap ng booster doses ang mga edad 12 hanggang 17.
Kasabay nito nanawagan si Duque sa mga local government units na gawin ang lahat upang mahimok ang kanilang mga mamamayan na magpabakuna.
Partikular ani Duque ang mga senior citizens at ang mga mayroong underlying medical conditions. (DDC)