Internet speed sa bansa malaki na ang improvement ayon sa Ookla Speedtest Global Index

Internet speed sa bansa malaki na ang improvement ayon sa Ookla Speedtest Global Index

Patuloy na bumubuti ang internet speed sa bansa ayon sa pinakabagong ulat ng “Ookla Speedtest Global Index”.

Sa nasabing report ng Ookla, mula sa 7.44Mbps noong July 2016 ay tumaas sa 25.07Mbps noong July 2020 ang average download speed para sa fixed broadband.

Nangangahulugan itong 216.94% na improvement.

Ang average download speed naman para sa mobile broadband ay tumaas din ng 127.82% mula sa 7.91Mbps noong July 2016 patungo sa 16.95Mbps noong July 2020.

Ang pagpapabuti sa internet speed sa bansa ay naging bahagi ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan kung saan nanawagan ito sa mga telco sa bansa na pagbutihin ang serbisyon hanggang ngayong taon.

Pinapurihan naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga local government units (LGUs) at ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa suporta para mabawasan ang permitting requirements at proseso sa pagtatayo ng cell towers.

Una nang sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na 1,502 mula sa 1,930 na pending applications para sa pagtatayo ng tower ngayong taon ang aprubado na ng LGUs.

Ang DITO Telecommunity na third telco player sa bansa ay kasalukuyan nang nagtatayo ng 1,300 na cell towers.

Bahagi ito ng pangako ng telco na makapaglaan ng 27Mbps sa 37% ng bansa.

Ayon sa DITO, 300 towers na nito ang operational.

Target ng telco na makapagtayo ng 2,000 pang towers ngayong taon.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *