Inflation rate para sa nagdaang buwan ng Disyembre 2020 umabot sa 3.5 percent – PSA

Inflation rate para sa nagdaang buwan ng Disyembre 2020 umabot sa 3.5 percent – PSA

Bahagyang tumaas ang inflation rate na naitala para sa buwan ng Disyembre 2020.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 3.5 percent ang naitalang inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisuo noong nakaraang buwan.

Mas mataas ito kumpara sa 3.3 percent na inflation rate noong Nobyembre 2020.

Ayon sa PSA, pasok sa target at projection ng gobyerno ang average inflation para sa taong 2020 na 2.6 percent.

Ang pagtaas ng transportation costs at mas mataas na presyo ng bilihin ang dahilan ng pagtaas ng inflation noong Disyembre.

Mas dumami kasi ang mamamayan na lumabas para mamili para sa pagdiriwang ng holiday season.

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa kabilang sa tumaas ang presyo ay ang mga gulay, karne, at bigas. (D. Cargullo).

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *