Infinite Radio sa Calbayog City pinatunayang patok pa rin ang industriya ng radyo
PINATUNAYAN ng bagong bukas na himpilan ng Radyo sa Calbayog City na hindi pa rin nalalaos ang industriya ng Radyo sa Pilipinas.
Ito ay makaraang dumugin ng kanilang listeners ang unang anibersaryo ng Infinite Radio, 92.1 MHz. sa Calbayog City.
Halos tatlundaan katao na pawang mga masusugid na tagapakinig ng Infinite Radio ang dumagsa sa Joggers covered court sa Brgy. East Awang, araw ng Biyernes, February 4, 2022, para dumalo sa naturang selebrasyon.
“ I guess you just need to offer a good and quality programming that is relevant to listening public so that they will listen and support your station in a regular basis, and off course you must be consistent with it”, pahayag ni Ricky Brozas, station Manager.
Ang IR Calbayog ay isang local radio station na pinagkalooban ng provisional authority ng National Telecommunications Commission na mag-operate ng 1,000 watts Effective Radiating Power(ERF) sa lungsod ng Calbayog.
“ ang kagandahan sa Infinite Radio ay locally produced ang mga programa namin, we decide on what programs we need to air to be able to catch the audiences from all walks of life “ dagdag ni Brozas.
“ at siyempre dapat multi-media ang approach mo para yung millennials eh nasasaklawan din ng iyong serbisyo, at dahil on-the go na ang tao ngayon, ibig sabihin anywhere they are, anytime they wanted to consume an information e pede ka nila panoorin o balikan ang programa mo using their cellphones” tugon ni Brozas.
Si Brozas na siyang nag-konsepto ng mga programa sa IR Calbayog at siyang sole proprietor ng himpilan ay dating News Anchor / Reporter ng Inquirer TV at Radyo Inquirer sa Manila.
“ malaking tulong na nakapagtrabaho ako in a National Media kasi dala-dala ko ang karanasan ko at mga natutunan ko sa halos dalawang dekada sa propesyon na ito, in fact nagpapasalamat ako sa Inquirer na talagang humubog sa kakayahan ko bilang isang mamamahayag” wika pa nito.
Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad ay si Samar 1st District Representative Edgar Mary Sarmiento, City Councilor Charlie Coñejos, Board Member aspirant Edward Clemens, at dating Spark Samar executive Rex Daguman at Jormac Tan.
Nabatid na halos 300 katao ang dumalo at nakiisa sa selebrasyon ng unang anibersayo ng IR Calbayog kasabay ng inagurasyon at blessings ng kanilang studios and offices sa 4th floor, Acaso building, Brgy. Payahan Calbayog City.
Kanya-kayang bitbit naman ng mga napanalunan sa pa-raffle ang mga dumalo sa naturang event matapos ang motorcade .