Infanta, Quezon pinangangambahang maging crime capital ng Southern Luzon

Infanta, Quezon pinangangambahang maging crime capital ng Southern Luzon

Nangangamba ang mga otoridad na maging “crime capital” ng Souther Luzon ang bayan ng Infanta sa lalawigan ng Quezon.

Kasunod ito ng pagkakaaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Task Force Against Illegal Drugs sa sampung kalalakihang sakay ng talong van na may dalang kontrabando at  pinaghihinalaang saku-sakong shabu na nakatago sa Chinese teabags.

Ang mga suspek ay nadakip sa checkpoint sa Barangay Comon sa bayan ng Infanta, Quezon nitong Martes.

Sa pahayag sinabi ni Police Major Francis Aldrich D. Garcia ng Infanta Municipal Police Station (MPS), una silang nakatanggap ng tip na may isang Nissan van ang may lulan ng mga ipinagbabawal na droga kaya agad pinaigting ang checkpoints.

Batay sa imbentaryo ng pulisya, aabot sa mahigit kumulang 600 na pakete ng hinihinalang shabu na nakasilid sa Chinese teabag ang nakumpiska.

Isinasailalim na ng NBI sa pagsusuri ang ang mga nakuhang kontrabando.

Iniimbestigahan naman na ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang pinanggagalingan ng ilegal na droga at kung sinu-sino pa ang sangkot dito.

Ang pagkakahuli ng hinihinalang saku-sakong shabu ay isa sa mga krimen na nagaganap sa bayan ng Infanta.

Kamakailan lamang nang maganap ang bigong pananambang kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America.

Nasugatan si America sa nasabing pananambang.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief General Dionardo Carlos, sisilipin ng PNP ang lahat ng anggulong maaaring may kinalaman insidente.

Dahil sa sunud-sunod na krimeng nasasangkot ang bayan ng Infanta, malaking palaisipan kung ang mga krimeng naganap ay higit pa sa mga iringan, awayan sa quarrying o mas malalim pang dahilan kabilang na ang isyu ng droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *