Imbestigasyon ng NBI sa pagpaslang kay dating Calbayog City Mayor Ronald Aquino taliwas sa bersyon ng PNP
Tinapos na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon sa pagkamatay ni Calbayog City Mayor Ronald Aquino.
Gayunman, ipinagpaliban muna nila ang pagsasampa ng mga reklamo laban sa mga sangkot na personalidad.
“Ang NBI, Sir, hindi pa kami nag-file dahil para sana hindi nila ma-invoke ang constitutional right to incrimination,” saad ni NBI Eastern Visayas Regional Director Jerry Abiera sa panel.
Kinumpirma din ni Abiera na iba sa findings ng PNP ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
“Baka magkagulo-gulo kayo sa court niyan?” tanong ni Senador Lacson kay Abiera, kung saan tumugon ito ng : “Malamang, Sir.”
Matatandaang Marso 9 nang ipag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI ang parallel investigation sa shooting incident na ikinasawi ng alkalde at tatlo sa kanyang kasamahan.
Una na nang sinabi ni Samar Representative Edgar Mary Sarmiento, na naroon din sa pagdinig, mas nais niya ang imbestigasyon ng NBI sa dahilan na mga pulis ang sangkot sa pagpaslang kay Aquino. (Ricky A. Brozas)