Imbestigasyon ng NBI sa hindi rehistradong bakuna kontra COVID-19 tuloy
Tuloy ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpasok sa bansa ng hindi rehistradong bakuna kontra COVID-19.
Sa kabila ito ng pagtatanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Presidential Security Group at pagbabanta sa Kongreso sa gagawin nitong imbestigasyon.
Ayon kay NBI Deputy Director at spokesman Ferdinand Lavin, itutuloy ng NBI ang imbestigasyon batay sa naunang kautusan ni Justice Sec. Menardo Guevarra.
Magugunitang ipinaliwanag ni Guevarra na ang sentro ng imbestigasyon ng NBI ay ang pagpasok sa bansa ng mga bakuna kontra COVID-19 na hindi pa aprubado o rehistrado sa Food and Drug Administration.
Sinabi ni Guevarra na hindi sesentro sa PSG o hindi layon ng imbestigasyon na idiin ang PSG. (D. Cargullo)