iMall sa Antipolo City ipinasara dahil sa hindi pagpapatupad ng minimum health and safety protocols
Ipinasara ng pamahalaang lungsod ng Antipolo City ang isang mall sa lungsod dahil sa kabiguang magpatupad ng minimum health and safety protocols.
Ayon sa pahayag ng City Government, layon ng pagpapasara ng mall na matiyak ang kaligtasan bago ng nakararami.
Papayagan lamang na magbukas ang iMall na nasa barangay San Roque sa oras na maipakita nitong makatutupad na sila sa minimum health and safety protocols na itinakda ng IATF.
Samantala, pinayagan naman nang magbukas ang Victory Mall na kamakailan ay ipinasara din ng pamahalaang lungsod.
Ito ay matapos siguraduhin ng pamunuan ng mall na ipapatupad nito ang minimum health and safety protocols.