Ilegal na Chinese dredger type vessel namataan ng Coast Guard sa Bataan

Ilegal na Chinese dredger type vessel namataan ng Coast Guard sa Bataan

Isang Chinese dredger type vessel na ilegal at hindi otorisado ang namataan ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana at Bureau of Customs (BOC) sa karagatan ng Bataan.

Nang busisiin ang barko, nadiskubre na hindi nakabukas ang automatic identification system (AIS) transponder ng barko.

Nabigo din ang dalawang Cambodian crewmembers nito na magpakita ng karampatang dokumento.

Sa isinagawang beripikasyon ng BOC, lumitaw sa rekord na ang nasabing barko ay napagkalooban ng departure clearance ng Customs office sa Aparri, Cagayan mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Nakatakdang mag-isyu ng warrant of siezure ang BOC sa naturang barko. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *