Ilang presidentiables sinabing hindi sila aatras sa May 2022 elections

Ilang presidentiables sinabing hindi sila aatras sa May 2022 elections

Inihayag ng tatlong presidential aspirants na hindi sila aatras sa laban para sa May 2022 elections.

Sama-samang humarap sa press conference sina Senator Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno at dating Defense Sec. Norberto Gonzales kasama sina Senate President Tito Sotto at Dr. Willie Ong.

Sinabi ni Moreno na wala sinuman sa kanilang tatlo ang magwi-withdraw sa presidential race.

Kinumpirma din ni Moreno na lumagda din sa kanilang joint statement si Sen. Manny Pacquiao subalit hindi ito nakahabol sa presscon dahil pabalik pa lamang ito ng Manila galing General Santos City.

Sa kaniyang panig sinabi ni Lacson na pareho sila ng naging karanasan ni Moreno na kapwa mayroong kumakausap at humihikayat sa kanila.

Sinusubukan din umano silang alisan ng support groups.

Magugunitang nagbitiw sa Partido Reporma si Sen. Lacson at kalaunan ay nagpahayag ang partido ng suporta kay Vice President Leni Robredo.

Ang Ikaw Muna Pilipinas naman na dating sumusuporta sa kandidatura ni Moreno ay nagbigay na din ng suporta kay Robredo.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *