Ilang pasaherong nakasabay ng Pinoy na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 hindi sinasagot ang tawag ng contact tracers

Ilang pasaherong nakasabay ng Pinoy na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 hindi sinasagot ang tawag ng contact tracers

Hindi sumasagot sa tawag ng contact tracers ang ilan sa mga pasahero ng Emirates flight EK 332 na nakasabay ng Pinoy na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19.

Sa virtual press briefing ng Department of Health (DOH) sinabi ni Usec. Ma. Rosario Vergeire, sa 159 na pasaherong nakasabay ng pasyente, 92 ang na-contact na ng DOH at 52 ang tumugon na.

Sa 23 na nakaupo sa apat na rows sa harapan, likuran at gilid ng passyente kasama ang kaniyang girlfriend, 15 ang na-contact na at 12 sa kanilang tumugon na.

Ayon sa DOH, ang mga hindi tumugon ay pawang unattended ang cellphones, hindi ma-reach ang numero, wrong number o kaya naman ay nire-reject ang tawag ng contact tracers.

Natukoy na din ng DOH ang close contacts ng pasyente bago ang pag-alis niya sa Pilipinas.

Kabilang dito ang limang household members na isinailalim na sa isolation at nakuhanan na din ng specimens. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *