Ilang korte sa Maynila isinara dahil sa mga kaso ng COVID-19
Pansamantalang sarado ang ilang mga korte sa Maynila at ilang pang lugar sa bansa, makaraang makapagtala ng positibong kaso ng COVID-19.
Sa abisong ipinarating sa Korte Suprema, kabilang sa mga korte na “physically closed” ay ang Manila Regional Trial Court branch 54, mula noong September 3 hanggang 11, 2020.
Sa memorandum, naka-lockdown ang korte dahil nagpositibo sa COVID-19 swab test ang isang staff.
Lahat ng mga personnel ng Manila RTC branch 54 ay naka-self quarantine sa naturang panahon ng lockdown.
Mayroon na ring ginagawang contact tracing, habang ang mga hearing o pagdinig ay ginagawa sa pamamagitan ng video conferencing.
Samantala, pansamantalang isinara rin ang Manila RTC branch 36, na nagsimula noong September 4 at magtatagal hanggang bukas, September 9, 2020.
Mayroon ding isang court personnel na nagpositibo sa COVID-19, kaya minabuting magsagawa ng disinfection.
Kabilang pa sa mga naka-lockdown na korte ay ang:
– Makati City RTC branch 133 (Sept. 7 hanggang 11)
– Padre Burgos-Agdangan, Quezon 3rd MCTC (Sept. 7 hanggang 10)
– MTCC Naga City (Sept. 😎
– San Fernando, Pampanga RTC branch 45 (Sept. 1 hanggang 14).