Ilang driver ng jeep huli sa operasyon ng I-ACT sa Sta. Mesa, Maynila

Ilang driver ng jeep huli sa operasyon ng I-ACT sa Sta. Mesa, Maynila

Ilang driver ng jeep ang nasampulan sa isinagawang operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic sa Sta. Mesa, Maynila, Miyerkules (Feb. 10) ng umaga.

May mga jeepney driver na natikitan dahil nagsakay sila ng pasaherong walang face shield.

Mayroon ding driver ng jeep na natikitan dahil pudpod na ang gulong ng kaniyang sasakyan ipinapasada.

Ayon kay Seaman Second Kennedy Naranjoso, overloading pa ang ibang jeep.

Magkaka-dikit naman ang ibang mga pasahero at hindi na nasusunod ang social distancing.

Isang van ng Department of Public Works and Highways (DPWH) naman ang nahuli dahil sa ilegal umanong pagbiyahe ng mga pasahero.

Katwiran naman ng driver ng van si Joevic Laderas, sinundo lamang ang mga engineer ng DPWH dahil mayroon meeting sa DPWH central office.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *