Ilang biyahe ng bus sa PITX kanselado dahil sa bagyong Pepito
Kanselado ang 16 na biyahe ng bus sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Byernes, Nobyembre 15 dahil sa inaasahang masamang panahon na idudulot ng bagyong Pepito.
Sa pahayag ni PITX Corporate Communication Officer na si Colyn Calbasa na pansamantalang sinuspinde ang mga biyahe ng naturang bus na may rutang San Jose Mindoro, Cagayan de Oro, Ormoc, Iloilo, Davao, at Virac dahil na rin sa kanselasyon ng sea travel sa iba’t ibang pantalan sa ating bansa bunsod ng maaaring epekto ng masungit na panahong dala ng naturang bagyo sa mga nabanggit na lugar.
Ayon sa pamunuan, sa ngayon ay wala pa namang naitatalang stranded na pasahero sa PITX.
Binigyang-diin ni Bb. Calbasa na maagang nagpadala ng abiso at impormasyon ang mga kumpanya ng bus sa kanilang mga pasahero kaugnay sa kanselasyon ng mga nabanggit na biyahe patungong probinsiya. (Bhelle Gamboa)