Ilang bayan sa Cagayan binaha dahil sa Bagyong Maring

Ilang bayan sa Cagayan binaha dahil sa Bagyong Maring

Binaha ang ilang mga bayan sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pananalasa ng Tropical Storm Maring araw ng Lunes, October 11.

Sa bayan ng Pamplona, nagsagawa ng paglilikas sa ilang mga barangay.

Nakaranas din ng brownout sa nasabing bayan dahil sa malakas na buhos ng ulan.

May mga bahay din na gawa sa light materials ang nasira dahil sa malakas na hangin na dala ng bagyo at may nasira ding mga pananim.

Sa Barangay Nagtupacan, nakaranas ng hanggang tuhod na pagbaha.

Samantala, sa bayan ng Baggao, ilang mga bahay sa Zone 4 Barangay Pallagao ang nakaranas ng pagbaha.

Una nang itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Cagayan dahil sa malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan dulot ng bagyong Maring. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *