Ilang barangay sa Paranaque City makararanas ng water service interruption
Makararanas ng low pressure hanggang sa no water supply sa ilang mga barangay sa Paranaque City ngayong araw (March 5)
Ayon sa Maynilad bunsod ito ng quality issue sa raw water na nagmumula sa Laguna Lake at pumapasok sa Putatan Treatment Plant 2.
Simula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw hanggang ala1:00 ng madaling bukas (March 6), mawawalan ng suplay ng tubig ang sumusunod na mga barangay:
– Don Bosco
– Marcelo Green
– San Antonio
– San Martin De Porres