Ilang bahagi ng EDSA maaapektuhan ng road reblocking ng DPWH

Ilang bahagi ng EDSA maaapektuhan ng road reblocking ng DPWH

Magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works (DPWH) sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.

Isasagawa ang road reblocking at repairs simula 11:00 ng gabi ngayong Biyernes (Mar. 11) hanggang sa umaga ng Lunes (Mar. 14).

Apektado ang sumusunod na mga lansangan:

1. EDSA-Caloocan Southbound infront of A. De Jesus St. (5th lane from sidewalk)
2. EDSA Southbound Quezon City from Panay Ave., to Mother Ignacia St. (2nd lane from sidewalk)
3. EDSA-Quezon City Northbound along EDSA near Quirino Highway exit
4. EDSA-Quezon City Northbound from White Plains to B. Serrano Rd. (2nd lane from sidewalk)
5. EDSA-Quezon City Northbound after Anapolis St. to before Boni Serrano flyover (2nd lane from MRT line) after B. Serrano flyover to before flyover P. Tuazon flyover (2nd lane from MRT line)
6. EDSA-Northbound Ayala Tunnel (Manila Water Restoration activity due to water leak repair)
7. EDSA-Pasay City Northbound innermost lane (bus way) E. Rodriquez St. going to C. Jose St.

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga apektadong kalsada para hindi maabala.

Ayon sa DPWH, magiging fully passable ang mga kalsada 5:00 ng umaga ng Lunes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *