Ikatlo at huling araw ng community testing sa Batangas dinagsa ng mga residente

Ikatlo at huling araw ng community testing sa Batangas dinagsa ng mga residente

Muling dinagsa ng mga Batangueño, sa ikaapat at huling araw ng community testing sa Dream Zone, Capitol Compound, Batangas City, ngayong araw ng Martes, ika-6 ng Oktubre 2020.

Batay sa datos ng Batangasy PIO, umabot na sa humigit kumulang na limang libong (5,000) indibidwal mula sa ibat-ibang Local Government Units sa lalawigan ang sumailalaim sa libreng RT-PCR COVID-19 Test sa nasabing venue na nagsimula noong nakaraang Sabado, ika-3 ng buwang ito.

Ang community mass testing sa Kapitolyo ay isa sa 3 tatlong itinalagang COVID-19 testing center, kung saan may ganitong aktibidad din at kaganapan sa Don Manuel Lopez Memorial Distict Hospital sa bayan ng Balayan at Laurel District Hospital sa Lungsod ng Tanauan.

Ang programang ito ay isang inisyatibo ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 para sa mga Batangueño sa pakikiisa at pagtutulungan ng Provincial Government of Batangas, sa pamumuno ni Governor DoDo Mandanas, Provincial Health Office at ng Provincial IATF.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *