Ika-100 Malasakit Center sa bansa binuksan sa RITM
Sa paggunita ng ikatlong anibersaryo ng Malasakit Center program inilunsad ang ika-100 Malasakit Center sa bansa.
Binuksan ang ika-100 Malasakit Center sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City, ngayong araw ng Martes (February 2).
Ito na ang ika-54 na Malasakit Center sa Luzon.
Dumalo sa launching sina Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Dino, at mga opisyal ng ospital.
Sa nagdaang tatlong taon ng Malasakit Center, umabot na sa mahigit dalawang milyong katao ang natulungan nito.
Karamihan sa kanila ay umuwing zero-balance ang kanilang hospital bills sa tulong ng MC.
February 12, 2018 nang ilunsad ang kauna-unahang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City.
Ang Malasakit Center ay nabuo mula sa “Pagkalinga sa Bayan” project ni Mayor Sara Duterte sa Davao City na inilunsad noong 2017.
Ang mga ospital na mayroong Malasakit Center ay tumatanggap ngn buwanang pondo na P3 million hanggang P30 million depende sa kanilang kapasidad at level ng ospital.