I-ACT mas maghihigpit sa pagpapatupad ng COVID-19 protocols
Mas hihigpitan pa ng Inter Agency Council on Traffic ang pagpapatupad ng COVID-19 protocols sa mga sasakyan.
Kaugnay ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa partikular sa Metro Manila.
Dahil dito, umapela ang I-ACT sa mga pasahero, drivers, operators, at kunduktor na istriktong sundin ang health and safety protocols sa mga pampublikong sasakyan.
Payo ng I-ACT na sundin ang mga sumusunod:
1. Magsuot ng face mask at face shield;
2. Bawal ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono;
3. Bawal kumain;
4. Kailangang may sapat na ventilation;
5. Kailangang may frequent disinfection;
6. Bawal magsakay ng symptomatic passenger;
7. Kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing
Babala ni I-ACT Task Force Chief at DOTr Assistant Secretary for Special Concerns B/Gen. Manuel Gonzales, hindi nila palalagpasin ang mga driver na mabibigong ipatupad ang health protocols sa kanilang sasakyan.
Mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon, ang I-ACT task force ay nakahuli ng 517 PUV drivers dahil sa paglabag sa health provisions ng LTO at DOTr.