HS Velasco sinira ang kredibilidad nang ipagtanggol sa red-tagging issue ang Makabayan Bloc

HS Velasco sinira ang kredibilidad nang ipagtanggol sa red-tagging issue ang Makabayan Bloc

Itinuring ng isang batikang abogado na panghihimasok at pangmamaliit sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines(AFP) ang ginawa ni House Speaker Lord Allan Velasco nang tahasan nitong ipagtanggol ang Makabayan Bloc ng Kamara sa naging akusasyon ni AFP Southern Luzon Command Chief Gen Antonio Parlade na ang mga progressive solons ay may kaugnayan sa Communist Party of the Philippines(CPP).

Para kay Atty Trixie Angeles, sinira ni Velasco ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga communist group nang maliitin nito ang impormasyon na mula mismo sa AFP.

“With all due respect, Speaker Lord Allan Velasco. I understand you and all other congressmen are duly elected officials. And that you must speak this way to protect the men and women in Congress. But that does not mean you get to dictate military or legal strategy”paliwanag ni Angeles.

Aniya, kung hindi rin alam ni Velasco ang nangyayari sa ground ay mainam na hayaan na sa isyu ang AFP.

Minumulat umano ng AFP ang publiko ukol sa recruitment na nangyayari sa mga unibersidad kaya nagpapalabas ng impormasyon at babala ang AFP sa mga magulang ukol sa pagsali sa komunistang grupo at inilalantad na din nito sa publiko ang mga personalidad na nasa likod ng grupo, aniya,nakalulungkot na mismong si Velasco na mula sa administrasyon ang pumipigil dito sa halip na hayaang ang stratehiyang ginagawa ng AFP.

“The communist insurgency has taken lives, broken families, arrested national development. It has been over fifty years, Clearly, we need to change our approach to this problem and end it once and for all. The old ways havent worked. So Gen. Parlade has brought the war for hearts and minds into the public eye and it is working”paliwanag ni Angeles.

“Are you are trying to stop the AFP? Please don’t. Maybe we can save families from being broken, kids from dying senselessly.Don’t you think it is worth it?”pasaring pa ni Angeles kay Velasco.

Una nang sinabi ni Parlade, tagapagsalita din ng National Task Force to End Local Communist(NTF-ALCAC) na under surveillance ang mga progressive solons sa pagiging miyebro ng CPP, ani Parlade, mismong sa mga miyembro ng CPP na nagbalik-loob na sa pamahalaan ang tumukoy sa mga mambabatas na kaanib ng kanilang grupo.

Inalmahan naman ni Velasco ang red tagging sa Makabayan Bloc at binalaan pa si Parlade na mag-ingat sa kanyang mga akusasyon na walang basehan.

“General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence These lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated is uncalled for,”naging pahayag ni Velasco.

Apela ni Angeles kay Velasco na huwag pigilan ang AFP sa laban nito kontra sa mga komunistang grupo lalo at tiyak umanong may basehan ang mga impormasyon na inilalabas nito.

Hindi ito ang kauna unahang inakusahan na kaanib ng CPP ang Makabayan Bloc, matatandaan na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na may mga partylist groups sa Kamara ang may kaugnayan sa CPP at nagpopondo sa armed wing nito na New People’s Army.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *