Hong Kong government may libreng COVID-19 testing para sa mga dayuhang domestic workers

Hong Kong government may libreng COVID-19 testing para sa mga dayuhang domestic workers

Inabisuhan ng Konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong ang Filipino community doon na mayroong libreng COVID-19 testing para sa mga dayuhang domestic workers.

Ayon sa abiso ng konsulada, naglunsad ang Hong Kong government ng libreng COVID-19 test para sa mga Foreign Domestic Workers (FDW).

Ang mga FDW na mayroong kontrata at kasalukuyang naninilbihan sa kanilang employer ay inaanyayahang makilahok sa Community Testing Programme (UCTP) kasama ng kanilang employer mula sa Sept. 1.

Kung ang FDW naman ay mayroong expired nang kontrata o terminated na at naghihintay ng bagong employer ay kailangang magpatala sa registration hotline number na 1836 133 mula ngayong August 25, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 9:00 gabi. (END)

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *