Hog raisers, retailers malulugi sa ipatutupad na price ceiling sa karne ng baboy at manok

Hog raisers, retailers malulugi sa ipatutupad na price ceiling sa karne ng baboy at manok

Aapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang grupo ng mga hog raiser at poultry farming na hilingin sa pamahalaan kaugnay sa pagpapatupad ng price ceiling sa presyo ng karne ng baboy at manok.

Ayon kay Nick Briones, presidente ng Agriculture Sector Alliance of the Philippines at Vice President ng Pork Producers of the Philippines, maaring hindi nakarating sa opisina ng pangulo ang kanilang paliwanag hinggil sa sitwasyon ng suplay ng baboy sa bansa.

Dahil dito ay pinaniwalaan aniya ng pangulo ang pasya ni Agriculture Secretary William Dar na magpatupad ng 60-araw na price ceiling.

Aniya, hindi sila sang-ayon sa ipatutupad na price ceiling dahil magkakaroon ito ng masamang epekto sa mga nagbebenta at nag-aalaga ng mga baboy at manok kung saan lubos na mahihirapan ang mga consumer.

Naniniwala ang grupo na hindi na magbebenta ang mga hogers at retailers dahil malaki ang kanilang ikalulugi.

Iginiit pa ni Briones na posibleng tumaas ang presyo ng ibang produkto tulad ng gulay, baka at isda lalo na’t nagbabanta ng pork holiday ang ibang grupo ng mga consumers.

Ayon sa grupo malaki ang naging epekto ng African Swine Flu, Importation at Smuggling sa kanilang sektor na hindi naman nabigyan ng solusyon ng DA.

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *