Hinatuan, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 102 kilometers northeast ng Hinatuan alas 7:08 ng umaga ng Linggo, October 24.
May lalim na 16 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity III sa Lingig, Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs hindi naman ito nagdulot ng pinsala, subalit maaring makapagtala ng aftershocks. (DDC)