Hinatuan, Surigao Del Sur nakapagtala na ng unang pasyenteng nasawi dahil sa COVID-19
Nakapagtala na ang bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur ng kauna-unahang COVID-19 related death.
Sa COVID-19 update na inilabas ng Hinatuan LGU, isa na ang nasawi sa sakit at ito ang unang pagkasawi na may kaugnayan sa COVID-19 mula nang magsimula ang pandemic.
Nagpaabot ng pakikiramay ang LGU sa mga naulilalang pamilya ng pasyente.
Mayroong 15 active cases ng COVID-19 sa Hinatuan. Habang umabot na sa 30 ang total confirmed cases.
Nakapagtala naman ng 14 na gumaling na. (D. Cargullo)