Hiling ng simbahan pinagbigyan ng IATF; once-a-day na religious gathering sa NCR Plus pinagbigyan mula Apr. 1 – 4

Hiling ng simbahan pinagbigyan ng IATF; once-a-day na religious gathering sa NCR Plus pinagbigyan mula Apr. 1 – 4

Inaprubahan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang hiling ng simbahan na makapagsagawa ng religious gathering sa panahon ng Semana Santa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, simula sa April 1 hanggang 4 papayagan ang once-a-day na religiuos gathering sa mga lugar na sakop ng NCR Plus.

Limitado lamang sa 10 percent seating capacity ang papayagang pumasok sa loob ng simbahan.

Sinabi ni Roque na bawal ang paggamit ng audio-video systems sa labas ng simbahan para maiwasan ang pagtitipun-tipon sa labas.

Ang live singing ay istriktong lilimitahan at hinihikayat ang pagpapatugtog na lang ng recorded singing.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *