Higit 4,000 nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa bansa; total confirmed cases 147,526 na
Umabot na sa 147,526 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay makaraang makapagtala ang Department of Health ng dagdag na 4,002 na kaso.
Sa inilabas na case bulletin ng DOH, may naitala ding 1,403 na gumaling sa sakit kaya umabot na sa 70,387 ang total number of recoveries.
May naitala namang 23 pang dagdag na nasawi.