Higit 30 bata sinagip habang naglalaro sa computer shops sa Maynila

Higit 30 bata sinagip habang naglalaro sa computer shops sa Maynila
Higit sa tatlumpung kabataan ang sinagip ng mga pulis sa Parola Compound sa Maynila gabi ng Lunes.
Ito ay makaraang maabutan ang mga kabataan sa iba’t ibang computer shops na sa halip na nag-aaral, sila ay pawang mga naglalaro ng computer games.
Ayon kay Police Lt. Joel Aquino ng Delpan Police Station, nag-iikot ang mga pulis-Maynila kagabi nang matsempuhan ang mga kabataan sa mga computer shop gayung malapit nang sumpit ang curfew. Bawal din dapat silang lumabas sa ilalim ng general community quarantine.
Sinabi ni Aquino na ang mga kabataan ay sinasamantala ang “piso-net” na sobrang murang halaga para makapag-internet.
Ang mga sinagip, nasa edad katorse haggang disi-syete anyos ay dinala na sa Rasac covered court kung saan sila nagpalipas ng magdamag.
Sinabi ni Aquino na ang mga magulang ng mga kabataan ay kakasuhan ng paglabag ng Anti-Child Endangerment Ordinance dahil sa pagpapabaya sa kani-kanilang mga anak.
admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *