Highest single-day increase sa kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nadagdagan ng 258 pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Maituturing itong pinakamataas na single-day increase sa COVID-19 cases sa rehiyon.
Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,247 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC, DWHVL at Ormoc Molecular Diagnostic Center.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Huwebes ng umaga (December 24), 10,711 na ang total confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,080 o 10.08 porsyento ang aktibong kaso.
49 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 9,512 o 88.81 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Sa ngayon ay umabot na sa 119 ang bilang ng nasawi sa rehiyon o katumbas ng 1.11 porsyento.