Heavy rainfall warning nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Nakataas ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Ito ay bunsod ng malakas na pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA) at Habagat.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng hapon ngayong Linggo, October 11 orange warning level na ang umiiral sa Zambales.
Yellow warning naman ang umiiral na sa Metro Manila, Bulacan, at Bataan.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Pampanga, Rizal, Laguna, Nueva Ecija, Tarlac, Cavite, at Quezon.
Habang sa susunod na mga oras ay makararanas na rin ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Batangas. (END)