Heavy rainfall warning nakataas sa ilang lalawigan sa Central Luzon
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang mga lalawigan sa Central Luzon.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, orange warning ang itinaas sa Bataan at Zambalas alas 8:00 ng umaga ng Miyerkules, July 21.
Yellow warning naman ang itinaas sa Tarlac at sa Pampanga.
Babala ng PAGASA maari nang makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.
Samantala, mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang naranasan naman sa lalawigan ng Quezon, Metro Manila, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal. (Dona Dominguez-Cargullo)