46 degrees Celsius na Heat Index naitala sa Sangley Point, Cavite; 9 pang lugar nakapagtala ng mahigit 40 degrees Celsius na Heat Index
Mainit na panahon ang naranasan sa maraming lugar sa bansa araw ng Linggo, May 2.
Sa datos mula sa PAGASA, sa Sangley Point, Cavite naitala ang pinakamataas na Heat Index na umabot sa 46 degrees Celsius.
Naitala ito alas 2:00 ng hapon.
Narito ang iba pang mga lugar na nakapagtala ng mataas na Heat Index.
Dagupan City, Pangasinan – 45 degrees Celsius
Catbalogan, Samar – 44 degrees Celsius
Butuan, Agusan Del Norte – 42 degrees Celsius
Dipolog, Zamboanga Del Norte – 42 degrees Celsius
Roxas City, Capiz – 42 degrees Celsius
San Jose, Occidental Mindoro – 42 degrees Celsius
Ambulong, Batangas – 41 degrees Celsius
Cotabato City, Maguindanao – 41 degrees Celsius
Masbate City, Masbate – 41 degrees Celsius
Ayon sa PAGASA, nasa “danger level” ang Heat Index na mahigit 41 degrees Celsius.
Payo ng PAGASA sa publiko palagiang uminom ng tubig ngayong nakararanas ng mainit na panahon ang bansa.