Healthworkers sa Tuguegarao City People’s General Hospital tumanggap na ng bakuna kontra COVID-19
Naisagawa na ngayong araw ang kauna-unahang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga healthworkers sa Tuguegarao City People’s General Hospital.
Pinangunahan ito ni Dr. Marcos Mallillin, Chief of Hospital ng TCPGH kasama ang iba pang mga doktor ng pagamutan at sinundan ng iba pang mga healthworkers mula sa nasabing ospital.
Sa kabuuan ay mayroong 191 healthworkers ng TCPGH ang mababakunahan.
“One of the objectives is to show the people that we have a safe vaccine for all of us, and as a model, magpapabakuna po kaming mga healthworkers niyo.”, ayon kay Dr. Marcos Mallillin.
Ang ceremonial vaccination ay dinaluhan din nina City Mayor Jefferson Soriano, City Vice Mayor Bienvenido De Guzman II, at ilang miyembro ng City Council.
Ayon kay DOH Regional Director Dr. Rio L. Magpantay, inaasahan nang darating ang AztraZeneca vaccines sa lungsod para naman sa mga senior citizens na healthworkers.