Health care workers na nagpositibo sa COVID-19 mahigit 14,000 na

Health care workers na nagpositibo sa COVID-19 mahigit 14,000 na

Sumampa na sa 14,041 ang kabuuang bilang health care workers sa ating bansa na tinamaan ng COVID-19.

Pero ayon sa Department of Health (DOH), ang magandang balita naman ay 97.6% o 13,699 sa mga naturang health care workers na nagkaroon ng COVID-19 ay gumaling na.

Ang health care workers naman na binawian ng buhay dahil sa COVID-19, nadagdagan at naging 77 na.

Batay pa sa datos ng DOH, ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng health care workers ay bumaba na sa 265.

Sa nabanggit na bilang, 145 ang mild cases; 93 ay asymptomatic o walang nararamdaman sintomas; 15 ay nasa severe condition; 11 ang nasa kritikal na kundisyon; at 1 ang nasa moderate na kundisyon.

Ayon sa Kagawaran, ang mga nurse pa rin ang nangunguna sa hanay ng health care workers na nagkasakit ng COVID-19, na may halos limang libong mga kaso.

Ito ay sinundan ng mga doktor, nursing assistant, medical techonologists, at admin staff.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *