Health advocate kay Velasco: Vaccination plan ng gobyerno dapat sundin

Health advocate kay Velasco: Vaccination plan ng gobyerno dapat sundin

“Sumunod sa vaccination plan ang Kamara”

Ito ang paalala ni Preventive Education and Health Reform Advocate Dr. Anthony Leachon kay House Speaker Lord Allan Velasco bilang reaksyon sa naging pahayag nito na priority ang mass vaccination para sa 8,000 mambabatas at kawani ng House of Representatives sa oras na maging available na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon Leachon bago pa man magpahayag ng mga ganitong pangako si Velasco ay dapat alamin nya muna kay Vaccination Czar Secretary Charlie Galvez kung kasama o makokober ang lahat ng mga taga-Kamara sa priority list.

Ang ganitong mga pronouncement na mauuna sila o prayoridad agad sila sa bakuna ay maaaring magdulot ng kaguluhan at tiyak umanong mababatikos lalo at limitado lamang ang inisyal na dating ng bakuna at kailangan ibigay ito sa mga nasa priority list.

Sinabi ni House Secretary General Dong Mendoza na hindi problema ang funding sa COVID 19 vaccine dahil priority ito ni Speaker Velasco.

“Isa yan sa thrust na gusto gawin ni House Speaker Velasco. Nag-initial discussion na kay Sec. Galvez with regard doon sa vaccination” paliwanag ni Mendoza matapos maiulat ang 98 cases ng COVID sa Kamara mula Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 20.

Gayunpaman, sinabi ni Leachon na kahit pa man magmadali ang Kamara at may nakatabing pondo para sa kanilang pagpapabakuna ay kailangan nilang mag-apply.

“Even sa ibang bansa may template yan in term of prioritization kung sino ang unang mabibigyan, kung gusto nila na mailagay sa priority list ay subject for approval at nakadepende ito sa recommendations ng IATF”paliwanag ni Leachon.

Sa naging briefing ng Department of Health(DoH) at mga ahensyang nangangasiwa sa COVID 19 vaccination sa House Committee on People’s Participation ay tinukoy nito ang mga sektor na priority na makakatanggap ng bakuna.

Nasa ika-12 at last priority ang mga estudyante habang ang una naman ay ang Frontline health workers mula sa public at private sector na umaabot sa 1,762,994; ikalawa ang Indigent senior citizens na nasa 3,789,874; ikatlo ang iba ang senior citizens na nasa 5,678,544; ikaapat ang indigent population na nasa 12,911,193; Uniformed personnel na nasa 525,523; ikaanim ang mga guro, school workers sa private at public institution; lahat ng government workers mula sa national agencies and local government units; ikawalo ang sssential workers sa agriculture, food industry, transportation at tourism;pang- siyam ang Sociodemographic groups gaya ng mga nakakulong, persons with disabilities at mga Filipino na naninrahan sa high density areas;ika10 ang Overseas Filipino workers (OFWs); pang 11 ang iba pang remaining work force at ika 12 ang mga estudyante.

Nilinaw ni Dr. Aleli Annie Grace Sudiacal, Director ng Bureau of International Health Cooperation ng DoH na hindi magiging palakasan at kung sino ang makapangyarihan ang mauuna sa bakuna kundi kung sino ang vulnerable sector,aniya, ang pagtanggap ng bakuna ng mga nasa priority list ay nakadepende din sa availability ng supply.

Si Pope Francis ay una na ding nanawagan sa mga lider sa buong mundo na iprayoridad sa COVID-19 vacinne ang mga mahihirap

“How sad it would be if access to a COVID-19 vaccine was made a priority for the richest. It would be sad if the vaccine became property of such and such nation and not universal for everyone,”nauna nang pahayag ng Santo Papa.

Samantala, sinabi naman ng mga kawani ng Kamara na hindi sila natuwa sa pahayag ni Velasco na prayoridad ang mass vaccination bilang solusyon sa tumataas na kaso ng COVID cases sa Mababang Kapulungan, anila, malayo pang matupad ang pangakong ito ngunit ang kanilang kinakailangan ay ang agarang solusyon para mapigil ang pagdami pa ng COVID cases.

Nakapagtala ang Kamara ng 98 confirmed COVID cases sa buwan ng Nobyembre na lumitaw na hindi naireport agad sa Local Health authorities kaya naman ngayon pa lamang nagsasagawa ng contact tracing.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *