Handa ka ba sa challenging future? – iFINANCIALS by SE-ITpreneur
Kahit sa mga mayayamang bansa sa mundo gaya ng Estados Unidos, marami pa rin ang nagre-retiro nang walang sapat na ipon.
Ibig sabihin, hanggang sa kanilang pagre-retiro, naghihirap sila.
Ito ang dahilan kaya dapat paghandaan ang tinatawag na “challenging future”.
Malaking bilang ng pamilyang Filipino ay hindi mayaman.
At ang malaking bilang na iyon ang mahaharap sa hamon ng kinabukasan.
Anu-anong hamon nga ba ito?
1. Uncertain labor market – Dahil sa digital age, ang labor force ay napapalitan na ng automation. Kaya nang magtrabaho ng computer, kaya maraming kumpanya ang nagbabawas ng manpower.
2. Low savings and high debt – Nakalulungkot mang isipin, pero maraming Pinoy ang wala na ngang ipon, may pagkakautang pa. Ito ang dahilan kaya marami ang edad 65 na, nagtatrabaho pa imbes na dapat ay retired na at nagpapahinga na lang.
3. High cost of education – Habang lumilipas ang panahon, pamahal ng pamahal ang halaga ng pagpaaral.
4. Increasing cost of living – At habang lumilipas ang panahon pamahal ng pamahal ang presyo ng bilihin at serbisyo.
Ikaw? Handa ka ba sa mga hamon ng buhay?
Mas gusto mo bang pagsapit mo ng edad 65 ay nagtatrabaho ka pa din?
Hindi ba’t mas masarap pangarapin na namamahinga ka na lang at ine-enjoy ang buhay dahil may sapat kang ipon na iyong magagamit sa pang-araw araw na gastusin at pangangailangan?
Habang maaga pa at may sapat na panahon ka pa para pag-ipunan ang iyong pagtanda bakit hindi mo subukang pag-aralan ang stocks, mutual funds at iba pang uri ng legal na investments?
Maari kitang tulungan. Para sa mga katanungan at impormasyon, maaring mag-send ng e-mail sa i.financialsmarketing@gmail.com (END)