Halos 8,000 kapsula ng Downer Drugs nakumpiska ng Customs
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – NAIA ang halos 8,000 kapsula ng Down Drugs.
Ayon sa BOC, 5.376 na kilo o 7,999 capsules ng Downer Drugs ang nakumpiska sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Ang mga ilegal na droga ay naka-consigne sa isang Sandeep Kumar.
Kinumpirma naman ng mga tauhan ng Customs Anti- Illegal Drugs Taskforce (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mga kapsula na laman ng kargamento ay pawang “dextropropoxyphene” na kilala rin sa tawag nan ‘downer drug’ na ipinagbabawal sa bansa. (END)