Halos 4,000 healthcare workers sa Maynila nabakunahan na kontra COVID-19
Halos 4,000 nang healthcare workers sa Maynila ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department, umabot na sa 3,947 healthcare workers (HCWs) ang nabakunahan sa loob ng walong araw na vaccination rollout ng Pamahalaang Lungsod.
2,949 na HCWs ang nakatanggap ng Sinovac vaccine habang 998 naman ang nagpaturok gamit ang bakuna kontra COVID-19 ng AstraZeneca.
Patuloy naman ang paghikayat ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa publiko na magpabakuna dahil limitado ang suplay ng COVID-19 vaccines na darating sa bansa.
Malaki rin aniya ang proteksyong maibibigay nito laban sa nakamamatay na sakit.