Halos 3,000 stranded sa mga pantalan dahil sa Typhoon Bising
Mayroon pang 2,792 na mga pasahero at driver ang stranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Bicol, Central Visayas at northeastern Mindanao dahil sa epekto ng Typhoon Bising.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mayroon ding 36 na barko na stranded at 1,032 na rolling cargoes.
Mayroon namang 55 barko at 54 na motorbancas ang pansamantalang nagkanlong.
Pinakamaraming stranded na pasahero ay sa mga pantalan sa Eastern Visayas na umabot sa 1,185 kabilang ang mga driver at helpers.
Sa Bicol Region naman, 971 na pasahero, driver at helpers ang stranded.
Sa Central Visayas, 109 ang stranded at sa Northeastern Mindanao ay 527 ang stranded