Halos 1,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag
Nakapagtala lang ng 959 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nakalipas na magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes (Enero 4), umabot na sa 478,761 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, 448,279 ang gumaling o katumbas ng 93.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 26 na gumaling.
21,219 naman ang active cases o katumbas ng 4.4 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 6 pang pumanaw sa sakit.
9,263 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.93 percent. (D. Cargullo)