Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon
Apektado ng Habagat ang malaking bahagi ng Luzon.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, Aug. 25 dahil sa Habagat, ang Ilocos provinces, Batanes, at Babuyan Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makakararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil din sa Habagat at sa localized thunderstorms.
Ang dating bagyong Igme na ngayon ay si Typhoon Bavi ay huling namataan sa layong 990 kilometers north northeast ng extreme northern Luzon.
Patuloy nitong pinalalakas at hinahatak ang Habagat.
Nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes at Babuyan Group of Islands.
Ayon sa PAGASA sa susunod na 2 hanggang 3 araw ay wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo sa loob ng bansa.