Habagat at ITCZ magpapaulan sa bansa

Habagat at ITCZ magpapaulan sa bansa

Malaking bahagi ng bansa ang makararanas pa rin ng pag-ulan ngayong araw ng Lunes, Sept. 13.

Sa weather forecast ng PAGASA, apektado ng Habagat ang Luzon at Intertropical Convergence Zone naman ang nakaaapekto sa Southern Mindanao.

Ngayong araw, ang Ilocos Region, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Abra, at Benguet ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Habagat at ITCZ.

Bahagyang maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Maila at nalalabi pang bahagi ng bansa dahil sa Habagat at localized thunderstorms. (DDC) 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *