Gumaling sa COVID-19 sa QC 24,913 na
Nakapagtala pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Batay sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 26,662 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Miyerkles (Dec. 16).
Ang nasabing bilang ng kaso ay naisailalim na sa validation ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,005 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
24,913 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 744 o tatlong porsyento ang nasawi.