Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pagyanig at naitala sa layong 70 kilometers northeast ng Guiuan ala 1:46ng hapon ngayong Linggo, Oct. 18.
15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala. (END)