Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.
Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 25 kilometers northeast ng bayan ng Guiuan alas 2:53 ng hapon ngayong Miyerkules (Jan. 20).
Ayon sa Phivolcs, 39 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity II – Borongan City, Eastern Samar
Intensity I – Surigao City
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (D. Cargullo)