Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
(UPDATE) Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa lalawigan ng Eastern Samar.
Batay sa impormasyon na inilabas ng Phivolcs, naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong 15 kilometers northwest ng Guiuan alas 2:32 ng hapon ngayong Lunes, August 24, 2020.
13 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV – Guiuan,Salcedo and Mercedes,Eastern Samar
Intensity III – General MacArthur,Lawaan, Quinapondan and Giporlos, Eastern Samar;
Tacloban City
Intensity II – Palo, Pastrana, Jaro, Julita, Dulag, Tanauan, Tolosa, Barugo, Burauen, Tabontabon and Sta. Fe, Leyte; Maydolong and Borongan, Eastern Samar
Intensity I – Can-avid, Eastern Samar
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (END)