Grupo ng mga nurse humiling ng public apology mula sa DOLE

Grupo ng mga nurse humiling ng public apology mula sa DOLE

Humirit ang grupong Filipino Nurses United ng public apology mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa mistulang pagkalakal umano sa mga nurse kapalit ng bakuna sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa pahayag ngn FNU, nakakainsulto ang pahayag ni Labor Sec. Silvestre Bello na mistulang ginawa silang barter commodities na ipinagpapalit.

Dapat aniya ay mag-sorry ang kalihim sa mga nurse.

Anila kung ang intensiyon talaga ng gobyerno ay matugunan ang mga pangangailangan para sa bakuna kontra COVID-19 ay hindi naman kailangang gamitin ang nurses bilang kapalit.

Giit pa ng grupo, mahusay ang tingin ng ibang bansa sa mga Filipino nurse.

Tanggap din ng mga nurse na export product sila dahil sa malaking ambag nito sa remittances ngunit hindi kaaya-aya na mismong mga opisyal ng gobyerno ang nagtatrato sa kanila bilang kalakal.

Paliwanag naman ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ang pagpapadala ng mga nurse sa UK ay bahagi ng negosasyon ng ambassador nito na hindi isama ang UK sa deployment cap ng mga nurse sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *